NI WALLY PERALTA
HINDI na maitatanggi na in her own sexy ways ay nakagawa si AJ Raval ng pangalan sa mundo ng showbiz.
As in kahit paano, nakikilala na siya ng masa.
Pero hindi ‘yun ang the easy way o sa paghuhubad lang niya nakuha kundi sa kanyang acting skills and mga iskandalo.
Kapuna-puna kasi na tila may kakambal na iskandalo itong si AJ sa tuwinang may movie na ipapalabas.
Unang-una, ang pagkaka-link niya kay Aljur Abrenica, na that time kahit paano ay sariwa pa ang hiwalayan ni Aljur sa asawa nitong si Kylie Padilla.
Nasundan ito last Valentine Day kung saan ay naispatan silang magkasama sa isang hotel sa Leyte.
And lately, ginawan siya ng fake sex scandal kung saan ay pinagtagpi-tagpi ang mga daring scenes niya sa isang movie na ginawa.
Ano kaya ang masasabi dito ni AJ?
“Honestly, parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu, kasi that means may kinapupuntahan ‘yung career ko.
“So, may part sa akin na pinagtatawanan ko sila dahil sa mga eskandalo na binubuo nila. Yun lang ang masasabi ko, parang nae-enjoy ko rin po siya,” say ni AJ.
Pero ngayon, bago siyang eskandalong kinasasangkutan kung saan ay makikipagsabayan siya sa paseksihan at pagiging daring sa lima niyang kapwa sex nymphets sa loob ng 10 weeks na nagsimula na nitong Abril 10.
Ang lima ay sina Cindy Miranda, Ayanna Misola, Angela Morena, ang baguhan na si Andrea Garcia at ang FHM model na si Jamilia Obispo.
Ito ay para sa latest mini-serye ng Vivamax na mapapanood sa Vivamax App, kaya subscribe na.