Latest News

AJ RAVAL, CINDY MIRANDA NAGPASEKSIHAN

Ni Wally Peralta

DALAWA sa pinakasikat na sexy stars ng Vivamax sina AJ Raval at Cindy Miranda.

Nagsanib-puwersa ang dalawang young stars para sa isang Vivamax Original series under the direction of Roman Perez Jr. titled “Iskandalo” na magsisimula nang mag-stream sa April 10 at tuwing Linggo for 10 consecutive Sundays.

Bukod sa nagpaseksihan, nagpagalingan sa action scenes sina AJ at Cindy.

Role ni Cindy ang isang detective, samantalang si AJ ay isang social media celebrity na na-bash nang husto dahil sa isang sex video na ini-upload ng isang misteryosong lalaki.

Dito tumakbo ang istorya na kung saan ay na-involved nang husto si Cindy sa kaso ni AJ.

Kuwento nga ni Cindy, sobrang napiga ang kanyang acting skills dito sa “Iskandalo.”

“You’ll see me here in another light, dahil hindi puro paghuhubad ang ginawa ko. I’m happy sa ginawa ko sa series na ito. I play a character that really challenged me as an actress,” ani Cindy.

Sa totoong buhay kaya ay magkakaroon si Cindy ng isang sex video scandal?

“No, I’m thankful hindi pa ako naiskandalo sa totoong buhay. Maingat na maingat ako sa ganyang mga bagay kasi ang mga tao iba-iba ang isip.

Dapat alagaan natin ang sarili natin para maiwasan yan lalo na ang mga babae,” esplika ni Cindy.

Tags:

You May Also Like

Most Read