NI JULIE E. BONIFACIO
NAPAGOD si AJ Raval sa mga eksenang ginawa niya sa kanyang latest film na ipapalabas sa Vivamax na “Kaliwaan” kasama ang international-award-winning actor na si Vince Rillon at Denise Esteban.
To the point na kahit tapos na ang shooting, nag-iiyak pa rin si AJ sa harap ng kanyang mga kaibigan at sinabing sobra siyang naka-relate at nadala siya sa mga eksena emotionally and physically.
Pinaghalong sex and violence kasi ang tema ng “Kaliwaan” na inspired sa totoong buhay.
Ang kuwento ng “Kaliwaa” ay mula sa batikan at multi-awarded director na si Brillante Mendoza na pina-direk niya sa isa sa kanyang mga estudyante on film directing na si Dante Palacio.
Si Direk Brillante rin kasi ang producer ng “Kaliwaan” under his film outfit Centerstage Productions at ng Vivamax.
“Well, matagal na ang kwentong ‘to. ‘Di ba nabanggit ko naman in the past ‘no. Uh, kahit hindi ako gumagaw ng pelikujla naghahanap ako talaga ng kwento. Kumbaga, sa ngayon, lifestyle ko na ‘yun,” sabay tawa na kuwento ni Direk Brillante pagkatapos ng special screening ng “Kaliwaan” last Wednesday.
“So, isa ito sa mga na-gather ko na mga kwento sa mga ano, kapag nag-re-research ako, ganoon. Tapos, si Daniel naman, marami na ako’ng na-produced sa mga pelikula niya, ako ang nag-produce ng first film niya, ‘yung ‘Pailalim’ na nag-compete sa San Sebastian. ‘Yung second film niya na nag-compete sa Tokyo. So, ito ‘yung third film niya sa Vivamax. Sa kanya ko ipinagkatiwala ang project na ‘to kasi kaya niyang gawin,” dagdag pa ni Direk.
Natanong tulot namin si Direk Brillante kung bakit hindi na lang siya ang nag-direk ng movie since kwento naman niya ito, bagaman, mahusay naman na nailahad ang kwento niya sa big screen ni Direk Daniel.
Naunang nagbigay ng reaksyon si Direk Daniel sa aming tanong.
“Tingin ko parang napagod lang si Direk. Kasi sunud-sunod ‘yung films niya, e. Uh, the good thing about Direk Brillante, he gives opportunity sa mga ibang directors especially sa mga students niya.
“Actually, hindi lang ako, he has more than one students (na binigyan din ng chance ni Direk Brillante) like Raymond, binibigayan din niya ng opportunity to compete outside the country,” pahayag ni Direk Daniel.
Paliwanag ni Direk Brillante: “Sabi ko (sa kanya), para may idi-direk ka na bayolenteng film…hehe. Sabi ko, challenge sa ‘yo ‘yan bilang filmmaker. But uh, kidding aside, well, ano naman kasi ‘yan, e, kumbaga, ayoko rin namang parang lahat na lang ako ‘yung gumagawa. Tapos, uh, maganda rin siyang parang is-or, ‘di ba? Maganda siyang project sa katulad ni Daniel kasi tatatak na ‘to sa kanyang filmography. So, parang ‘yun na ‘yung contribution niya, ‘no.”
Parang musika naman sa pandinig ni Direk Daniel ang mga narinig at nakita niyang reaksyon sa members ng media, cast and crew ng movie pati na ang iba pang special guests na nakapanood ng “Kaliwaan” during the special screening.
“Ano siya, e, parang musika siya sa tenga ko. Kasi, it means effective siya. Kasi we did that to my first film when it was shown in Spain, ganyan rin ‘yung naririnig ko. So, mas lumabas ‘yung emosyon nila dito (ng mga manonood). Mas effective ‘yung boses na ginawa ng buong grupo namin,” ani Direk Daniel.
Going back to AJ, nilinaw ng sexy star na hindi niya last film ang “Kaliwaan” kahit plano niyang ipagpatuloy ang kanyang naantalang pag-aaral.
“Meron po ako’mg naka-line-up na ibang pelikula. At ang pagpapaseksi naman po sa showbiz, never ko naman po sinabi na mawawala ako. Gagawa pa rin po ako at ‘yung pagpapaseksi, gusto ko po siya., Masaya po ako doon. Never ko rin pong bibitawan ‘yung pagpapaseksi. Siguro parang, bawas-bawas lang din po siguro ako ngayon,” AJ explained.
Kaya huwag na magduda ang iba na magiging hadlang sa pagpapaseksi ni AJ ang kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica.
Anyway, huwag magpahuli sa panonood ng “Kaliwaan” sa Vivamax dahil maraming aral ang kwento ng pelikula.