Ni Gerry Ramos
“SENADORA” na ang tawag ni Aiko Melendez sa kaibigang si Ruffa Gutierrez dahil kung papalarin nga namang manalo si Herbert Bautista sa pagkasenador (na sigurado kami na mananalo) sa May 9 election, “senadora” na talaga ang magiging tawag sa ex-beauty queen
Sa mga iilan na hindi pa nakakaalam, in a relationship na sina Ruffa at Bistek.
Samantala, nanawagan na rin si Aiko sa lahat na huwag nang mag-aaway dahil lang sa sinusuportahan nilang kandidato.
“Tama na ang batuhan ng putik. Hindi yan ang kailangan ng tao. Ang tunay na leader, ‘di kailangang kailanman manira ng kapwa kandidato niya upang maiangat ang kanyang sarili. Let not this election be an avenue to pull each other down. Pagalingan ng tulong po sa tao ang dapat, dahil di naman tayong kandidato ang tunay na bida dito kundi ang mga tao na siyang pipili ng nais nilang mag serbisyo sa kanila,” ang parte ng post ni Aiko
Ni-like ni Sara Duterte ang post na ito ni Aiko at sinagot niya ito ng: “@indaysaraduterte wah! My Vice President!”