NI BETH GELENA
ISA si Ai Ai delas Alas sa mga nagdarasal sa maagang paggaling ni Kris Aquino despite na may gap na friendship ng dalawang celebrity.
Matatandaang nagkalamat ang pagkakaibigan ng dalawa nung hindi dumating ang Queen of All Media sa wake ng ina ng comedienne-actress.
Nasa States kasi si Kris that time.
Sa komento ni Ai Ai na “get well soon,” agad itong binigyang-kulay ng netizens.
Anila, hindi naman daw taos ang pagki-care ni Ai-ai.
May nagsabi naman na alangang ang sabihin ng komedyante ay negatibo.
Anyway, may bago na namang post si Ai Ai na sa aming pagkakaalam ay ilang buwan na ring nasa Tate.
Pinuna kasi ang suot niya na kulay pink.
Say naman ni Ani Ai ai sa kanyang socmed: “Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito… tahimik buhay ko… lahat na lang… huy!!! tanging ina ko pa picture yan tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka cheapan… pls hindi po ako vp LENI supporter.”
Nilagyan pa niya ng hashtag #panahonpanmatusalemangpicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdead.
So, kayo na ang mag-conclude, my dear readers, kung sino ang presidenteng iboboto ni Ai Ai.