Latest News

AI AI UNANG NAGBANSAG NG ‘PAPA P; KAY PIOLO

NI WALLY PERALTA

KINUWENTO ni Piolo Pascual na may bago siyang bagong comedy show kasama sina Pia Wurtzbach at Pepe Herrera — ang “My Papa Pi.”

Kuwento ni Piolo, nagsimula siyang binansagan na Papa P dahil kay Ai Ai delas Alas na unang tumawag sa kanya nito.


“It started with Ms. Ai-Ai sa ‘Magandang Tanghali, Bayan’. I was a guest one time and then she called me ‘Papa P’ and I call her ‘Mama Ai’ and it just stuck, you know, sa ABS, to the point na even the cameramen were calling me ‘Papa P,’” say ni Piolo.

Simula noon ay nakilala na si Piolo bilang si Papa P.

Hindi naman naiilang aktor na tawaging Papa P kahit pa ng mga kabataan at kababaihan at maging ang mga kasamahan niya sa industriya.

“Napagtanto ko na siguro, out of respect na rin, sige ibigay na lang natin kesa iba pa ang itawag sa’yo, so Papa P na lang.


“Pero ‘yon nga, may show nga tayong gano’n. Being called ‘Papa’ is better than ‘Tito’,” nakangiting sabi ng Papa Pi ng showbiz.

Tags: Piolo Pascual

You May Also Like

Most Read