Latest News

After ng dalawang kapatid… MAINE MENDOZA, ARJO ATAYDE NA BA ANG SUNOD IKASAL?

NI BETH GELENA

PANGALAWANG beses nang invited ng Mendoza family si Quezon City Congressman-elect Arjo Atayde.

Ang actor-turned-politician ay boyfriend ni Maine Mendoza.

Unang um-attend ni Arjo sa kasal ng brother ni Maine noong January 2021.

Kamakailan naman, ang kapatid na babae ni Maine ang ikinasal.

Tanong tuloy ng netizens, hindi raw kaya ang susunod na ikakasal ay si Maine na mismo?

Sila na raw siguro ang susunod na ikakasal, say po ng netizens.

Sa Instagram ay nag-post si Maine ng photos niya with Arjo sa kasal ng kapatid na si Coleen Mendoza at husband nitong si Mike Cruz.

Ang kanyang congratulatory caption: “Can’t wait to see what the next chapter holds for you two. Love you both!”

Ayon naman kay Cong. Arjo: “Grateful for the opportunity to witness and celebrate love — especially of those I hold close to my heart. Even more grateful I get to do that with a beautiful date. Congratulations Mr. & Mrs. Cruz. Really happy for the both of you!”

Three years na rin ang relasyon nina Arjo at Maine, kaya nasabi na ni Arjo na handa na siyang mag-settle down.

Sa isang interview, tiniyak Arjo na si Maine ang kanyang “the one.”

So, is wedding bells na ba ang kasunod for Maine and Arjo?

Tags:

You May Also Like

Most Read