NI BETH GELENA
FIRST time nagsalita si Nadine Lustre kung paano sila nag-meet ng Afam boyfriend na si Christophe Bariou.
Si Christophe Bariou ay non-showbiz guy na entrepreneur na naka-base sa Siargao.
Nagmula sa Saint-Michel-sur-Orge sa France si Christophe and he was the founder and managing director ng Maison Bukana, ang boutique resort na matatagpuan sa Sitio Lisob, Siargao Island.
Although last year ay maraming naglabasan na balita tungkol sa kanilang dalawa ni Bariou, never itong inamin ni Nadine.
Last January lang nag-confirm na officially in a relationship na sila ni Christophe.
Sa nakaraang interview sa aktres, sinabi niyang hindi naman niya itinatago ang bago niyang karelasyon.
Noong mag-meet daw sila ni Christophe, hindi ito aware na siya ay isang sikat na celebrity.
Description pa nga ni Nadine kay Christophe, ignorante siya sa mga bagay-bagay, lalo na sa showbiz industry.
But their fondness for each other did not start there.
“When I got back from Siargao, after that trip, he flew to Manila and that’s when we really like started hanging out,” kuwento ni Nadine.
Marami raw mga bagay na gusto nila pareho.
Kaya ang tawag niya kapag magkasama silang dalawa ay
“two peas in a pod.”
“He loves memes; I love memes. He likes watching funny videos; I love watching funny videos. I learn a lot from him and with him… It’s just always fun hanging out with him,” sabi ni Nadine sa interview ng Monster RX93 1.
Kamakailan lang ay sinama ni Christophe si Nadine sa France para ipakilala sa kanyang French family.
Super nag-enjoy daw ang lead actress ng “Greedy” lalo na noong mag-i-skiing sila kasama ang ilang family at mga kaibigan ni Christophe.