Latest News

ABSENCE NG KATHNIEL SA KASAL NG KAIBIGAN INIINTRIGA

NI BETH GELENA

INIINTRIGA ng netizens sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa di nila pag-aattend sa wedding ng kaibigan nilang nina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

Nag-react kasi ang netizens sa naglabasang wedding photos ng kasal na amh kung saan ang mga bridesmaid ay katropa ng mga kinasal.


Si Gabbi Garcia ang nag-post ng wedding photos na isa sa mga abay.

Higit pa sa magkaibigan sina Patrick at Aeriel at ang KathNiel kaya bakit daw wala sa kasal ang celebrity couple.


Hindi lang ‘yun isang komento kundi may mga nagsunuran pa.

Mabilis namang nilinaw ng aktres na ang post niya ay para kina Sugui at Garcia na sinundan pa ng paghingi ng respeto ng nobyo nitong si Khalil Ramos.


“This post is for Pat & Ae, our newlyweds. Mahiya naman po kayo,” sabi ni Gabbi.

“Respeto na lang guys eh. Mahirap ba ibigay yun?” hirit naman ni Khalil.

Hindi na nagustuhan ng groom ang mga komento ng ilang fans kaya napilitan na niyang sagutin ang ilan at sinabing nasa lock-in taping sina Padilla at Bernardo kaya hindi sila nakapunta.

“Pinagsasabi mo? Nasa lock in taping sila kaya wala sila. Nagmamarunong ka diyan? Close ka? Hanap ka ibang trip. Wag asawa ko,” depensa ni Sugui.

Pinabulaanan din niya ang mga usapan na hindi sila okay ng KathNiel kaya hindi ito dumalo sa kanilang kasal.

Paliwanag ni Patrick, sinubukan niya pang ipagpaalam ang dalawa sa direktor na payagan silang makapunta ngunit hindi umano ito pumayag.

Hindi kumbinsido ang ilan sa fans ng KathNiel sa paliwanag ni Patrick dahil nakadalo raw ang KathNiel sa binyag ng anak ni Riva Quenery.

Tiyak na may paliwanag ang KathNiel sa isyu na ito.

Tags: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

You May Also Like

Most Read