NI BETH GELENA
PINATUNAYAN pa rin ng Kapamilya Network na kahit wala na silang prangkisa, matibay pa rin ang pananalig sa ibang astista sa ABS-CBN.
Muling nagningning ang mahigit dalawang taon na walang liwanag sa ABS-CBN compound.na nagmistulang ghost dahil sa pinasara ng Kongreso at idagdag pa ang global pandemic.
Last February 23 dahil maluwag-luwag na rin ang health protocols, nagkaroon ng “celebration of commitment” ang ilang natitirang stars ng Kapamilya.
May mga muling nag-renew ng kontrata para sa pananatili nila sa ABSCBN.
At ang 30th anniversary ng Star Magic, ang artist agency ng network.
Dubbed “Kapamilya Strong,” siyam na mga sikat na artista ang pumirma ng kontrata sa Kapamilya.
Present ang ABS-CBN executives na pinangungunahan ni president Carlo Katigbak at chairman Mark Lopez.
Kasama rin nila ang iba pang ABS-CBN execs na sina Chief Operating Officer Cory Vidanes, TV Production and Star Magic head Lauren Dyogi, at Finance chief Rick Tan.
My heartfelt thank you message si Mam Cory para sa mga nagmamahal sa.Kapamilya Network.
“Thank you for trusting ABS-CBN and Star Magic. Thank you for standing with us to continue serving the Filipino. Thank you for the love that you have nurtured with all our Kapamilyas and with all the audience through the years. Maraming, maraming salamat po.”
“Words will never be enough to express how grateful and how blessed we are to have you as our Kapamilyas,” sabi ni Mam Cory, referring to Gary V, Regine Velasquez at Lara Maigue na kakanta sa stage.
Ayon sa ABS-CBN executive, sina Mr. Pure Energy at Asia’s Songbird ay very vocal sa pagsuporta sa.network kahit may mga challenges na nangyari sa loob ng dalawang taon.
“You have been a source of strength for all of us as we persevere to continue serving the Filipino together. Tunay naming naramdaman na andito tayo para sa isa’t isa dahil sa pagmamahal ninyo sa aming lahat.
“Thank you for the trust, for sharing the love, and for the gift of healing that you have given millions of Filipinos with your inspiring music, your excellent performances, and of course, for being world-class talents. We will always be proud of you, our Kapamilya Regine and our Kapamilya Gary V. We love you both,” dagdag ni Ms. Cory.
Ibabalik din daw nila ang nakaugalian ng Star Magic Ball at All-Star Games, kaya ang panawagan ni Ms. Vidanes: “All our founders, mentors, partners, advertisers, co-managers, and to our audience and fans, who continue to support and love our Star Magic artists.”
“Para sa inyo po ito mga Kapamilya, dahil never ninyo kaming iniwan. Ibinabalik po namin sa inyo ang pagmamahal na pinaramdam niyo sa lahat ng aming Star Magic artists,” sau pa niya.
Kaya ngayon pa lang, inaasahan na ng Kapamilya supporters ang muling pagningning ng kapaligiran ng ABS-CBN.