Latest News

Sharon, nag-thank you sa Google, YouTube matapos tanggalin fake news nila ni Kiko

SUPER grateful si Sharon Cuneta pagkatapos na i-shutdown ng Google at YouTube ang sites na nagpapakalat ng fake news about her at her husband Senator Kiko Pangilinan.

Ani ng Megastar: “Dapat lang talaga.”

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng beteranang singer-aktres ang isang news article na nagsasaad tungkol sa Google and YouTube shutting down some YT channels.


Shawie said: “Thank You po, Lord. Dapat lang talaga, hindi lang para sa amin kundi sa lahat ng sinisiraan ng wala namang katotohanan at basehan.”

Kamakailan lang ay may ibinahagi ring larawan ang momshie celebrity ng mga lumang larawan ng kanyang anak na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.

Ang nasabing larawan ay ang bonding photos ng magkapatid during their younger days.

Nagdodrawing si Frankie, samantalang ibinibida nsman ni KC ang kanyang legs.


Ayon sa Megastar, iyon ang favorite pictures nina KC at Frankie.

Tags:

You May Also Like

Most Read