Latest News

‘7.31.23 TO FOREVER’… Maja Salvador, Rambo Nuñez nagpakasal na Bali

TILA uso ang kasal ngayong July among local celebrities.

Matatandaan na hindi napigilan ni supertyphoon Egay ang ‘”wedding of the year” ng power couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio City last July 28.

At ngayong araw naman — July 31– ay humabol din ang kasal ng isa pang aktres na si Maja Salvador sa kanyang four-year boyfriend, ang businessman na si Rambo Nunez.


Nauna nang nag-post sa kanila-kanilang social media accounts sina Maja and Rambo ng pre-nup photoshoot nila na ang background ay ang majestic pyramid.

Maja even captioned the post with:
“7.31.23 TO FOREVER.”


At ngayong araw nga ay nag-share si Rambo ng photos kanilang wedding ceremony sa Bali, Indonesia na may caption namang “MR forever.”

“MR” ay ang initials nila ni Maja at Rambo.


Ang celebrity wedding photographer naman na si Pat Dy ay nag-post ng wedding photos ng dalawa na nilagyan niya ng caption na: “AND THEY ARE ONE.”

May post din si Pat Dy sa kanyang Instagram account na @patdy11 ng wacky photo ng wedding entourage nina Maja and Rambo which included ang bagong kasal na si Maine Mendoza and Janella Salvador among others.

Tags: Maja Salvador, Rambo Nunez

You May Also Like

Most Read