Latest News

51 international recognitions and counting… BAGUHANG PRODUCER PATULOY SA PAGHAKOT NG INTERNATIONAL AWARDS

NI WALLY PERALTA

TILA non-stop na pagpupugay at pagkilala internationally sa isang pelikulang produced ni Teresita Tolentino Pambuan ng TTP Movie Production na “Minsa’y Isang Alitaptap.”

May international title na ito na “Once A Firefly” na pinagbibidahan nina Gina Pareño at Teresa Loyzaga sa direksyon ni Romm Burlat ng Rommantic Entertainment Production.


To date, higit 51 recognitions lang naman ang nakokopo ng naturang pelikula na patuloy pa rin iniimbitahan ng ibang international film festivals na makilahok sa kanilang filmfest.

“To God be the glory,” say ng mabait at magandang producer.


Hindi naman kasi inaakala ni Teresita na ang lakas-loob na pagpo-produce niya ng isang movie sa gitna ng pandemya ay mag-uuwi ng maraming parangal.

Ang pinaka-latest na film festival na nagbigay halos ng clean sweep awards sa “Minsa’y Isang Alitaptap” ay ang White Pearl International Film Festival in New Delhi, India.


Bale 12 awards ang napanalunan ng movie. Ito ay ang Best International Film, Best Drama Film, Best Trailer, Best Actress- Gina Pareño, Best Actress- Teresa Loyzaga, Best Actor- Ron Macapagal, Best Director- Romm Burlat, Best Editor- Marvin C. Gabas, Best Producer- Teresita Tolentino Pambuan, Best Single Performance Male- Lito Capina, Best Single Performance Female- Leonora Carinaga, at Best Child Performer- Hasna Wahood.

Tags: Teresita Tolentino Pambuan

You May Also Like