Latest News

ANG international singer na si Deniece Williams kasama ang inyong lingkod at iba pang fans sa "meet and greet" matapos ang kanyang first ever concert sa Pilipinas.

4-TIME GRAMMY WINNER DENIECE WILLIAMS INVADES SOLAIRE

By: Beth Gelena

NAPANOOD namin ang concert ng 71-year-old American singer na si Deniece Williams sa Solaire Performing Arts Theater.

Despite her age, nakaka-amaze pa ring kumanta ang tinaguriang one of the great voices ng BBC.

Sa 13 beses niyang nano-nominate sa annual Grammy awards, four times siyang nag-uwi ng tropeo.


Sumikat si Williams noong dekada 70s hanggang 80s.

Ilan sa kanyang best songs ay ang Free, Silly, It’s Gonna Take a Miracle at ang dalawa niyang kanta na pumalo sa Billboard Hot 100 No.1 singles Let’s Hear It for the Boy at Too Much , Too Little Too Late (with Johnny Mathis).

First time din niyang nag-show dito sa Pilipinas.

Masaya ang American singer dahil habang nagpe-perform ay palakpakan ang mga manonood.


Hindi raw niya akalain na sa edad niyang 71, marami pa rin ang nakaka-appreciate ng kanyang mga kantang mostly ay oldies na.

Karamihan ay Christian songs ang repertoire ni Deniece at ang 4 Grammy Awards niya ay pawang Gospel songs.

After ng concert, nagpaunlak pa ang singer ng “meet and greet” na hindi naman kasama sa kontrata ng kanyang show.

Guest ni Williams ang “Kilabot ng mga Kolehiyala” na si Hajji Alejandro.


Tags:

You May Also Like

Most Read