Latest News

3 ‘BABAE’’SA BUHAY NI BOSSING VIC NAGSAMA-SAMA

Ni Beth Gelena

ANG ganda lang pagmasdan na ang mga mahal na “babae” sa buhay ni Bossing Vic Sotto ay magsama-sama sa isang larawan.

Sa Instagram ng misis niyang si Pauleen Luna, ibinahagi niya ang kanilang larawan — Pauleen Danica Pingris (anak.ni Bossing Vic), Kristine (Hermosa, misis ni Oyoboy, eldest son ni Bossing), at Kathleen Hermosa (sister ni Kristine) — kung saan ay nasa isang beach sila.


Ang caption na nilagay ni Pauleen: “Today’s episode of Kristine and friends.”

Tiyak na super-kulitan ang mangyayari sa apat kapag nagkataon.


Lucky si Bossing dahil ang tatlo women in his life ay nagkakasundo.

Imagine, kahit ang laki ng agwat ng kanyang edad sa misis niyang si Pauleen, nagkakasundo nito ang mga unang anak ni Bossing plus ang hipag niyang si Kristine.


Ito ay kahit pa mas bata si Pauleen kesa kina Danica at Kristine.

Tags: Bossing Vic Sotto

You May Also Like

Most Read