Higit dalawang buwan pa lamang mula nang pumasok ang taong 2026 pero napakarami nang malalaking huli ang Bureau of Immigration-fugitive search unit (BI-FSU) na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy.
Kabilang sa mga accomplishments ang pagkakadaip sa Taiwanese fugitive na si Chien Wen-Chieh, 33, ay dinakip sa Roxas Boulevard, Pasay City nuong January 28.
Bago niyan, arestado sina Wu Huifu, 38 at Li Yong, 48, sa Barangay Tambo, Parañaque City. Wanated ang dalawa sa kanilang bansa dahil sa pagpapatakbo ng online gambling websites kung saan aabot sa 500,000 players ang nabiktima nila ng higit CNY 8.6 million.
Dalawang Chinese nationals na may paglabag sa mga immigration violations ang arestado sa enforcement operation sa Tacloban City nitong January 29, 2026. Ito ay sina Zhu Fulin, 51, at Wu Huoyan, 53.
Ang British national na si Andrew Charles Beaumont, isang registered sex offender sa kanyang bansa, ay dinakip naman noong February 16 sa Sta. Fe, Romblon.
Isang mala- dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang inaresto dahil nagpapanggap din ito bilang Filipino, noong February 17 sa Alona Beach Road, Purok 7, Barangay Tawala, Panglao, Bohol.
February 18 nang dakpin ng FSU ang isa pang South Korean national na si Jun Hwanhwi, na wanted din sa kasong large-scale fraud sa Seoul. Naaresto ito sa operasyon ng ginanap sa Sapphire Street, Ortigas Center, Pasig City.
Isa pang Korean national ang arestado sa large-scale fraud at pagiging ‘fugitive from justice’ sa sarili niyang bansa, nitong February 26 sa Barangay Palamis, Alaminos City, Pangasinan.
Arestado namang muli ang isa ring Korean national na nakatakas dati sa government custody dati. Bunga ito ng manhunt operation nitong February 26 sa Diosdado Macapagal Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque City.
Ni wala pa sa isang quarter ang kasalukuyang taon pero grabe na ang dami ng magagandang trabaho ng BI-FSU.
Kung hindi masipag ang grupo ni Sy at napabayaan lamang magpakalat-kalat sa bansa ang mga ‘fugitives’ na ito, maraming Pilipino ang mapapahamak. Kaya naman ang ating paghanga at pagbati sa BI-FSU sa pagbibigay proteksyon sa bansa.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.











