Latest News

PAGDISMIS KAY DATING MIAA GM CHIONG, BINALIGTAD NG CA

By: Jerry S. Tan

Binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng Ombudsman na idismiss sa serbisyo si dating Manila International Airport Authority General Manager Cesar Chiong na nag-ugat sa reassignment ng 285 airport employees.

Sa 13-pahinang desisyon na na-promulgate noong March 21, 2024, binaligtad ng CA ang August 2023 decision ng Ombudsman na nagsabing guilty si Chiong guilty sa ‘grave abuse of authority, misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.’

Kasama ni Chiong na kinasuhan sa Ombudsman ng mga ‘anonymous complainants’ ang noon ay assistant general manager na si Irene Montalbo. Kinuwestiyon ang pagkakatalaga nito dahil sa ‘unsatisfactory rating’ noong 2020 Office Performance Commitment and Review of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, ang mismong tanggapan na pinamumunuan ni Montalbo.


Noong May 2023, inilagay si Chiong sa ilalim ng preventive suspension at makalipas ang tatlong buwan, naglabas ng desisyon ang Ombudsman na dinidismiss si Chiong, dahilan para iakyat niya ang kaso sa CA.

Sinabi ng CA na “there was neither a definitive ruling from the Civil Service Commission that the reassignment of the MIAA employees was invalid, nor at least a referral of the case to the CSC for such prior determination, adding that at he very least, the Ombudsman should have referred the complaint to the CSC.’


“Consequently, when the Office of the Ombudsman assumed jurisdiction over the complaint and proceeded to rule on the case without the prior ruling of the CSC, the assailed decision should be struck down for prematurity and lack of factual and legal basis,” dagdag pa ng CA.

Ayon pa sa CA, “Granting that the Office of the Ombudsman made an independent examination of the reassignments from the perspective of grave abuse of authority or oppression, we find the decision to lack factual basis and substantial support in evidence.”


Inihayag din ng CA na ang isang administrative decision ay dapat na may kakayanang suportahan ang sarili nito gaya ng ‘substantial evidence or enough relevant evidence that is adequate for a reasonable mind to justify a conclusion or support a decision.’

Ang ginawa umano ng Ombudsman ay gumawa lamang ng ‘general statement’ na ang nasabing ‘reassignment and designation of MIAA employees” ay ginawa nang may klarong layunin na labagin ang batas o bilang hayagang pagbalewala sa mga established rules na taliwas sa ‘basic purpose of reassignment and designation’.

Ang nasabing desisyon ng CA ay isinulat ni Associate Justice Eleuterio Bathan at nag-concur naman dito sina Associate Justices Zenaida Galapate-Laguilles at Alfredo Ampuan.

Si Chiong ay itinalaga bilang acting general manager at member of the board of directors ng MIAA noong July 19, 2022 at umupo sa posisyon noong July 20, 2022 bago siya naalis sa puwesto noong Mayo 2023.

Galing sa magandang trabaho si Chiong nang italaga sa MIAA para lang maalis sa puwesto nang wala pang isang taon.

Ang di pa maganda dito ay ‘anonymous’ ang mga nagreklamo o di nagpakilala.

Ngayong napatunayan na mali ang ginawang pagdismiss kay Chiong, paano naman ang mangyayari para siya makabawi sa ginawa sa kanya? Ganun na lang ba ‘yun? Sino ang dapat managot o gumawa ng hakbang para naman makabawi si Chiong at magkaroon ng tunay na hustisya?

Congratulations kay GM Chiong sa nasabing desisyon ng CA at sana ay gamitin muli ng gobyerno ang kanyang angking galing sa pamamalakad.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

 

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read