Latest News

MGA KANDIDATONG MAYOR, NASAN KAYO SA GITNA NG PANDEMYA???

NAKAKATAWA ang mga kumakandidatong Mayor sa Maynila.

Panay ang patawag nila ng press conference para lang magbato ng kung anu-anong akusasyon laban kay Mayor Isko Moreno.

Di bale man lang sana kung me basehan kahit katiting lamang, kaso walang-wala. Parang inimagine ang mga bintang. Mema. As in, mema-ibintang lang.


Tapos, pag tinira nila si Yorme, isasabit bigla ang pangalan ni Vice Mayor Honey Lacuna. Pilit na pilit.

Ipinakikita naman ng tambalang Honey Lacuna at Yul Servo na sila ay mga professionals dahil ni minsan ay wala silang pinatulan sa mga imbensyong akusasyon ng kanilang mga kalaban.

Tama ang ginagawa nila. Kasi, ang gusto lang naman ng mga kandidatong mayor na nag-iingay (maingay ng aba?) ay mapag-usapan din sila. Mapansin ba.

Eh kaso, bigo ang kanilang hangarin dahil ayaw silang patulan ni Lacuna at sa halip, itinutuon niya ang kanyang pansin sa napakarami niyang trabaho bilang katuwang ni Yorme sa lahat ng magagandang nangyayari sa Maynila.


Kundi ba naman may diprensha talaga ang mga kalabang ito ni Lacuna. Panay ang bira nila kay Yorme eh ang tumatakbong mayor ay si Lacuna.

Kung akala nila ang hampas sa kabayo ay lalatay sa kalabaw, nagkakamali sila. Kung inaakala nilang sisikat sila pag pinatulan ni Yorme or ni Honey, lalo namang nagkakamali sila.

Hindi sila ka-level ni Lacuna at lalo namang hindi ni Yorme, dahil presidentiable na nga ito.

Simple lang ang ibig sabihin nito. Walang maiprisintang plataporma o gagawin ang mga kandidatong ito kaya puro paninira na lang ang pinagkakaabalahan.


Sana lang, ‘yung mga paninira eh puwedeng ipambili ng food box o ng gadget at internet para sa mga estudyante, o kaya pangtustos ng buwanang cash allowance para sa mga senior citizens, PWDs, estudyante at solo parents.

Tanungin din sana ang sarili nila kung ano ang ginawa nila para sa mga taga-Maynila nung panahon ng pandemya. O kaya maski sa kapitbahay lang nila?

Hindi ka naman kailangang nasa puwesto kung gusto mo makatulong. Maski pribadong tao pupuwede ka tumulong kung gusto mo.

Nagkanda-COVID na nga sina Yorme at VM Honey sa kakatrabaho nung panahon ng pandemya ganung pwede nilang piniling manatili sa bahay at remote control na lang, pautos-utos lang pero hinde.

Pinili nilang sila mismo ang naroon para asikasuhin lahat ng pangangailangan ng mga taga-Maynila kaya pati sila nakakuha ng impeksyon.

At mula noon hanggang ngayon ay nagbabakuna si VM Honey mismo ng mga taga-Maynila na hindi kaya ng kondisyon ng katawan na magtungo sa mga bakunahan.

Etong mga nagmamagaling na tumatakbong mayor, ano ang nagawa sa gitna ng pandemya? Ha??’ Yan sana ang ikwento ninyo sa mga presscon ninyo.

***

(Comments and suggestions may be emailed to peoplestonightonline@gmail.com.)

Tags: ,

You May Also Like

Most Read