Latest News

Zulueta, ipinahahanap ni Remulla sa mga kaanak

Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI ) na kontakin ang pamilya ni Bureau of Corrections (BuCor) Senior Superintendent Ricardo Zulueta sa gitna ng patuloy nitong pananahimik kaugnay sa.alegasyon sa kanya sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

“Yes, I’m asking the NBI to contact his family, so that they can know his whereabouts,” ayon kay Remulla.

Si Zulueta, na isa sa itinuturing na umano’y mastermind sa pagpaslang kay Lapid at sa umano’y middleman na si Jun Villamor, ay nagtago na nitong unang mga araw ng Nobyembre.

Kasama niya ang suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) director general na si Gerald Bantag na inakusahang mastermind sa pagpaslang kay Lapid at Villamor.

Wala rin umanong kinatawan ni Zulueta ang lumutang sa isinagawang preliminary investigation ng Department of Justice(DOJ) noong Miyerkules.

“Kasi may presumption of innocence. Pag ginawa natin ‘yan, para tayong nagko-condemn ng tao kaagad We don’t really want to make a spectacle of that proceeding,” dagdag pa ni Remulla.

Nakatakda ang susunod na pagdinig sa kaso ni Lapid sa Disyembre 5. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read