NI BETH GELENA
Ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang matagal nang laban sa congenital condition na “mega ureter” na naging sanhi ng paulit-ulit na UTI.
Last 2024 ay sumailalim na siya sa robotic surgery sa Singapore, na naging matagumpay naman ito at nagdulot ng mabilis na recovery.
Dahil sa kanyang kondisyon, naudlot ang kanyang 40th anniversary concert noong 2023 upang bigyang-daan ang kanyang paggaling.
Ngayong 2025, excited na siyang bumalik sa entablado para sa kanyang “Through the Years” concert sa Mayo 17 sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati.
Ang singer ay ipinanganak na may mega ureter, isang congenital condition kung saan ang kanyang kaliwang ureter ay mas malaki kaysa sa normal.
Dahil dito, nakakaranas siya ng paulit-ulit na urinary tract infections (UTI) at kinailangang regular na uminom ng antibiotics.
Noong January 2024, nagpasya siyang magpunta sa Singapore upang sumailalim sa isang high-tech na robotic surgery.
Kuwento ng singer: “Sobrang high-tech ng procedure at wala akong naramdamang pain. Mabilis din ang aking recovery.”
Igiinit din niyang wala siyang kidney disease tulad ng napapabalita.
“Btw, my Dr told me the procedure done was ROBOTIC LEFT URETERIC REIMPLANTATION & INSERTION OF LEFT DJ STENT. I don’t have a rare kidney disease- read it somewhere- so it’s not true. I was just born structurally different,” paglilinaw ng Divine Diva.














