Latest News

ZAMBOANGA DEL NORTE AT LEYTE, NIYANIG NG MALAKAS NA LINDOL

By: Victor Baldemor Ruiz

NIYANIG ng 6.1 magnitude earthquake ang ilang bahagi ng Zamboanga City, partikular sa Zamboanga Del Norte.

Sa ibinahaging ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa tanggapan ng Office of Civil Defense, naramdaman ang lindol alas-11:41 kahapon ng ng umaga. May lalim itong 32km at natukoy ang epicenter sa layong 2 km Timog- Silangan ng Siocon, Zamboanga Del Norte at nakapagtala ito ng Intensity IV jolts sa lungsod.

Una rito, naramdaman naman ang magnitude 5.8 na lindol sa San Francisco, Southern Leyte, bandang alas 7:30 nitong Huwebes ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.


Natunton ang origin ng lindol sa dagat, may anim na kilometro mula sa San Francisco na may lalim na 14 kilometro ang epicenter at tectonic ang pinagmulan.

Iba’t- ibang intensity ang iniulat ng PHIVOLCS sa rehiyon: intensity VI sa San Francisco, intensity V sa ilang bayan ng Southern Leyte at intensity IV sa ilang bahagi ng Leyte at Southern Leyte.

Ang mga mababang intensity ay naiulat din sa Cebu at Cagayan de Oro at bagama’t inaasahan ang mga aftershock, iniulat ng PHIVOLCS ang siyam na aftershock na may magnitudes na hanggang 2.9 ang naitala.

May ilang gusali sa Panaon Island, Southern Leyte ang nagkaroon ng pagkasira at mga bitak.


Pinawi rin ng PHIVOLCS ang pangamba ng mga residente na lumikha ng tsunami ang lindol. Wala umanong sapat na lakas para magdulot ng tsunami sa area.

Tags: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)

You May Also Like

Most Read