Nakatsikahan namin ang aktres na si Dina Bonnevie sa wake ng kanyang mister na si Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor “DV” Savellano sa aAeternitas Chapels & Columbarium, Chapel of Hera, Batasan Hills, Quezon City.
Noong January 12 ay ililipat ang body sa kanyang hometown residence sa Cabugao, Ilocos Sur hanggang at inilibing noong January 17 sa Cabugao Cemetery.
Nagkaroon kami ng chance na makuhanan ng konting panayam ang beteranang aktres.
Natanong namin kung ano ang naging cause of death ng kanyang late husband at aniya ay “aneurysm” umano ang naging dahilan.
Kararating lang daw nila mula Japan dahil um-attend sa kasal ng anak ni DV at mabilis daw ng pangyayari dahil wala naman daw anumang senyales ang kanyang mister na may sakit ito.
Ang alam ng aktres ay napakalakas ng asawa.
Nang may naramdam daw itong sakit na tila namimilipit ay isinugod niya agad ito sa Diliman Hospital at saka inilipat niya sa Makati Medical.
Naoperahan naman daw agad si DV, but after the operation ay nag-flatline ng five times ang kanyang hubby.
“He survived for four times. But sa ikalima, hindi na. Masama pala yung minamasahe ang parteng nararamdaman niyang sakit sa may parte ng kanyang likod,” kuwento ni Dina.
Sobrang sakit para sa aktres ang biglang pagkawala ng mister.
“Marami akong plano para sa aming dalawa lalo na sa birthday ko (January 27). May ilalabas pa sana akong video naming dalawa na nagsasayaw ng Apt dance. Mailalabas ko pa ba yun, e wala na siya,” hinaing niya.
Sabi nga namin i-keep na lang niya dahil alaala na iyon ng kanyang mister kung saan napakasaya nilang dalawa.














