INI-LAUNCH ang revival song ni Ysabelle Palabrica na “Kaba,” na ang original singer ay si TenTen Muñoz at naunang ni-revive ni Tootsie Guevarra.
Pero mas marami ang nakakaalam na ang original singer ay si Tootsie dahil mas sumikat sa kanya ang kanta.
Maituturing na isa sa promising Gen Z singers ng taon si Ysabelle.
Natanong namin si Ysa kung bakit nagbago siya ng gustong gawin dahil noong una namin siyang
ma-meet two years ago, ang dream niya ay naging isang beauty queen.
“I like to be a beauty queen. Want to be like Catriona Gray,” say sa amin ni Ysa noon.
Ang composer/songwriter sa si Maestro Vehnee Saturno ang sumagot.
Anito: “Ganyan naman talaga e, pag may gusto kang gawin na hindi napul-fill hahanap ka ng kung saan ang gusto mo pang gawin.”
Sa tanong kay Maestro Vehnee kung paano siya napapayag na gawing singer si Ysa at ang “Kaba” ni Tootsie ang pina-revive dito, sagot niya: “Ako kasi, ang una kong ginagawa ay pinapakanta ko muna ang mga lumalapit sa akin.
So on Ysa’s case, pinakinggan ko siya. May timbre naman ang voice niya but frankly speaking, bumagsak siya sa una niyang try.
Pero hindi naman porke’t di nakapasa sa una i’ll give them a second.. third or fourth chance. Pero kung wala pa rin, bakit ka pa susugal, di ba? Ganun ang ginawa ko kay Ysa, and sa second trial niya nakapasa na siya.”
“And why Kaba ni TenTen o ni Tootsie, it’s because bagay sa kanya ang song and beside she’s young pa at tamang-tama sa kanya ang kanta.”
Katunayan, sa ilang days pa lang na naririnig ang single song ni Ysabelle ay pumik-up agad ito sa parteng Mindanao.
Sa April 21 ay front act guesting si Ysa sa 50th anniversary concert ni Hajji Alejandro sa New Frontier Theater and after that, lilipad ang grupo ni Ysa sa Mindanao para naman sa kanyang promotional tour.
Very supportive ang parents ni Ysa na sina Mayor Mark at Mam JeAn Palabrica sa anak nilang si Ysa.
Kahit newbie pa lang si Ysabelle sa music industry ay mayroon na rin siyang original Christmas song na ilalabas end of this year.
Sa ngayon, busy si Yssbelle sa pagpo-promote ng kanyang first single at hindi malayong pasukin na rin niya ang pag-arte.
Ang idol na actress ni Ysa si Belle Mariano at ito raw ang nakakapagbigay sa kanya ng strength na humarap sa maraming tao dahil napakamahiyain niya.
Gusto niyang tularan si Belle sa pagiging confident ng aktres sa sarili.
Ideal woman naman niya si Liza Soberano.
MAY POSIBILIDAD NA PASUKIN ANG POLITIKA
Ang father ni Ysa na si Mayor Mark is a successful mayor from Bingawan, Iloilo and equally successful businesswoman naman ang ina niya — na kung tawagin ko ay “Mayora” — dahil owner sila ng isang private school sa kanilang lugar.
Speaking of politics na rin, last term na bilang Bingawan mayor si Sir Mark kaya nagbabalak siyang kumandidato bilang provincial board member sa 2025.
Sa tanong kung papayagan ba niya si Mam Jean na tumakbo sa politics, aniya, hindi raw muna dahil ang kanyang brother ang kakandidato bilang mayor ng Bingawan.
Naku, mayora, papano yan mukhang hindi payag si Mayor Mark na pasukin mo ang politika?
Maraming na-achieve si Mayor Mark sa Bingawan and infact, very proud niyang inanunsyo na limang beses nakamit ng kanilang bayan ang Seal of Good Local Governance o SGLG, ang highest award na ibinibigay ng DILG sa outstanding mayors.
Pruweba iyan na mabuting alkalde si Mayor Mark.
Sa tanong kay Mayor Mark kung sino sa apat nilang anak ni Mam JeAn ang susunod sa kanyang mga yapak, aniya: “I think Ysa. Siya lang kasi ang nakikita kong mahilig makihalubilo sa mga tao. May posibilidad na baka paglaki niya nasa politika na rin siya. Right now hinahayaan namin kung ano ang gusto niyang gawin. Nasa likod lang niya kami lagi ng mama niya to support her.”
Kukunin nya kayang talent si Ysa kapag nangampanya siya sa darating na eleksyon?
“Uhmmm why not if the price is right.. But if mataas ang talent fee at can’t afford to pay her dahil hindi kaya ng budget dyan ko na ipapasok ang pagiging ama ko hahaha,” pabirong sagot ni Mayor Mark.