INAMIN ni Diamond Star Maricel Soriano na nai-intimidate umano sa kanya ang co-stars na nakakasama niya sa proyekto.
Tulad na lang nang pumasok na ang karakter niyang si Amanda sa “Pira-Pirasong Paraiso” ng ABS-CBN.
Ayon sa 58-year-old actress, hindi raw siya nag-hesitate na tanggapin ang PPP nang i-alok sa kanya ang second book ng TV series.
“Game na game ako nu’n. Sabi ko, ‘Ha? Talaga? Ay exciting yan, Gusto ko yan!’ Wala naman dun sa oras yun di ba? Nasa storya, nasa papaano dinirect hindi ba? Gusto ko yung ginagawa ko at masaya ako. Importante yun kasi kapag hindi ko yun nararamdaman, uwi na tayo, parang hindi ako masaya dito (laughs). Gusto ko masaya ako,” say ni Marya.
“I’m so touched. Ang babait nila talaga. Ako happy ako na madami akong blessings. Masaya kami. Gusto ko kasi masaya yung (set). Kahit na nagda-drama, gusto mo ang mga kasama mo happy di ba?”
Ayon kay Marya nag- bonding sila ng mga kasamang young actress na sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, at Elisse Joson.
“Natutuwa ako kasi wala akong anak na babae di ba? Mga lalake yung anak ko kaya pag nakakakita ako ng girls, ano yung like mo? Ano yung feel mo? Sabi ko, ‘O tapos, kuwento ka pa, ganun.’ Tapos ini-interview ko sila. Kinakausap ko sila parang mga babies ko, anak-anakan,” kuwento ng aktres.
Pero kahit daw naging close na sila ng mga young actress, nahahalata raw niyang nai-intimidate pa rin ang mga ito sa kanya kapag may eksena na sila.
“Nahihiya sila. Sabi ko, ‘Huy huwag naman kayo ganyan, hindi naman ako nangangagat!’ sabi ko para matawa sila (laughs). Hindi ko alam bakit ganun. Pag kinakausap ko sila, sabi ko, ‘Don’t be intimidated. Don’t be.’ Sabi ko yan ang tatanggalin niyo kasi makakasira yan sa acting nyo,” payo ng Diamond Star sa mga ito.
Kasama rin ni Taray Queen ang contemporary niya sa showbiz na si Snooky Serna.
“Ay, masaya kami. Diyos ko, wala kaming ginawa kundi mag-reminisce (laughs). Okay na okay kaming dalawa. Ang ganda namin pag kasama together,” pagmamalaki ni Marya.
Bakit nga ba tinawag na Taray Queen ang aktres?
“Nung araw kasi diretso ako kausap. Kung ano tanong, yun ang sagot. Kaya sabi nila, ‘ay mataray itong babaeng ito.’ Bakit kaya ako tinawag na mataray e sinabi ko lang naman yung totoo,” nakangiting paliwanag ng Diamond Star.