INAMIN ni Kim Chiu na may mga nagtatamong kung bakit hindi niya escort ang boyfriend na si Xian Lim sa ABS-CBN Ball kamakailan.
Solo flight kasing dumating ang chinita princess sa event.
Nag-explain siya na may commitment daw ang boyfriend.
Sinabi ni Kim na nasa Himalaya, India ang actor at nagmo-motor kasama ang mga kaibigan.
May nagkomento tuloy na mas inuna pa raw ni Xian ang pagmo-motor kesa ang samahan siya sa Ball.
“Mas mahal ni Xian ang motor kesa kay Kim.”
Esplika naman ni Kim: “Nagtanong naman siya kung kailan yung Ball. Sinabi ko ang date kaya lang naka-set na rin sila for that date. Kaya ako na rin ang nagsabing go na siya.”
Kahit naman walang escort ang aktres ay naagaw naman niya ang limelight sa event.
Siya kasi ang most outstanding Best Dessed that night.
Hangang-hanga ang netizens sa gown ng actress.
“Kim Chiu parang live mannequin lang, gandang bihisan.”
“Jusko hindi ka na nagsawa sa one-liner mong yan. Ibang topic naman dito ui.”
“Like a mannequin —wag na lang din pagsasalitain”
“They’ve both attended recent formal functions solo & have done well. It’s a good sign.”














