XEC, bagong COVID-19 variant

By: Philip Reyes

May bagong COVID-19 variant na binabatantayan na makapasok sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Health Assistant Secretary at spokesman Dr. Albert Domingo, na nagsabing ang XEC variant ay nakapasok na sa Germany noong Agosto 2024 at base sa kanilang datos ay umabot lamang sa 13% ang tinamaan.

Binabantayan umano ng World Health Organization(WHO) ang XEC dahil mabilis umano itong makahawa.


Sa kabila niyan ay wala namang dinapuan nito sa mga nagkaroon ng malalang sakit o na-ospital.

Gayunman, sinabi ni Domingo na hindi ito kasing bagsik ng delta variant na nakapasok sa Pilipinas at wala namang naiulat na nasawi sa XEC variant.


Mahalaga umano ang pagbabakuna partikular na sa mga may edad na at may sakit, upang makaiwas sa anumang COVID variant.

Napag-alaman na marami pa ring mga variant ang sumusulpot subalit kaagad naman itong nawawala.


Tags: Dr. Albert Domingo

You May Also Like

Most Read