Latest News

XBF, sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Australia at Sweden

Muling hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna at magpa-booster matapos na ma-detect ang unang kaso ng XBF sa bansa, dahil ito umano ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Australia at Sweden.

Napag-alaman na isang senior citizen na walang travel history ang unang na-detect na may XBF. Nagkaroon umano ng ito ng mild symptoms ng COVID-19 pero nakarekober na.

Sa kasalukuyan,kinlasipika umano ito ng World Health Organization (WHO) bilang Omicron Subvariant Under Monitoring.


Ang XBF ay recombinant sublineage ng Omicron BA.5 at BA2.75.

Ayon sa DOH, inaasahan na ang paglitaw ng mga variants at ang mahalaga umano ay manatili ang pamahalaan na makontrol ito sa pamamagitan ng vaccination at boosters, kaya pinapayuhan ang publiko na magpabakuna para sa karagdagang proteksyon. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read