WRITER, NAGBIGTI

WALA nang buhay nang matagpuan ang isa umanong manunulat sa kanyang tinutuluyang bahay sa Sampaloc, Manila , Martes ng gabi.

Ang biktimang binata, ng Honradez, Sampaloc, ay nakatali ng kulay dilaw na nylon cord ang leeg at may hiwa pa ang pulso nang madiskubre.
.


Batay sa ulat na isinumite ni Det. Rodolfo Acosta kay PLt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 10:57 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang MPD- Station 4 hinggil sa insidente.

Matapos ikordon ang loob ng silid , dito na ipinagbigay-alam sa headquarters at sa opisina ng Scene of the Crime Operatives at sa pangunguna ni PLt. Rex Manlansing ng SOCO na isinagawa na nila ang mga dokumento.

Ayon sa report ng pulisya, huli umanong nakitang buhay ang biktima dakong alas- 9:30 ng umaga nitong Agosto 6.


Bago isinagawa ng biktima ang pagpapakamatay ay nagvideo call pa umano silang magkapatid , hanggang sa makarating ang balita na hindi na ito nagre-response sa isa pa nitong kapatid na babae.

Gayunman, meron na umanong masangsang na amoy kaya nakipagtulungan ang kapatid na babae sa ilang residente sa lugar at dun na nga tumambad ang bangkay ng biktima.


Dito na nila ipinagbigay-alam sa nakakasakop ng Barangay sa Brgy 545 na nagpa-responde naman sa Sampaloc Police Station 4

Nabatid pa sa imbestigasyon na naka-record ang boses ng biktima , na patungkol sa isang “Jonrex ” dakong alas-5:33 ng umaga ng Agosto 7, kung saan nagpapaalam na ito.


Lumitaw sa ulat ng pulisya na tatlong beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima. (Philip Reyes)

Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read