Latest News

WPS (West Philippine Sea): The TV Series mapapanood na

By: Beth Gelena

SIMULA ngayong November 5 ay mapapanood na sa TV at online ang WPS (West Philippine Sea): The TV Series.

Last November 3 ay nag-premiere night/advance screening sa Manila Hotel ang WPS, kung saan nagkaroon pa ng concert of stars ng mga may partisipasyon sa WPS.

Mapapanood sa DZRH TV, radio at VIVA ONE ang TV series.


Sakto ang pagkakagawa ng WPS dahil ang adbokasiya nito ay para malinawan ng mga banyaga kung sino talaga ang nagmamay-ari ng West Philippine Sea.

Ang stars na involve sa TV series na ito ay ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo, ang former beauty queen na si Ali Forbes, Diana Meneses, at iba pa.

Sa premiere ng WPS ay present ang Marine students na pawang naka-all white uniform.

Bago ang advance screening ng WPS ay may post si Lance sa kanyang Instagram account na hinihikayat ang netizens na suportahan ang WPS.


“West Philippine Sea Defenders,” aniya.

Ang WPS ay isang fiction/drama/romance/action TV series.

“WPS is a story of hope and resilience. It explores the power of love, the importance of unity, and the unwavering spirit of a nation determined to fight for its inherent rights and future.

“It reminds us that even in the face of overwhelming odds, the human spirit can prevail, fueled by love, resolute determination, and the unwavering belief in the power of collective action and the true spirit of nationalism and patriotism for genuine devotion to and love of country and people,” ayon sa producer nito na si Dr. Michael Raymond Aragon.


Ang iba pang cast ng WPS ay sina Alyana Misola, AJ Raval, Al Tantay, Jeric Raval at Massimo Scofield.

Tags:

You May Also Like

Most Read