FFCCCII bullish on 2023 Phil. economy & hopeful on success of PBBM China state visit on January 3. Revival of Philippine tourism, continued economic growth & reforms, the strengthening of Philippine cooperation & trade with now reopening world's No. 2 economy China, all these are some reasons for optimism. (from left) FFCCCII Vice-President Jeffrey Ng, President Dr. Henry Lim Bon Liong, Board Member & Public Information Committee Chairman Wilson Lee Flores.

‘Worst scenario’ ng ekonomiya natapos na – Diokno; 7.5% GROWTH RATE NG PILIPINAS SA 2023 POSIBLE

TIWALA ang mga negosyante na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taong 2023 sa gitna ng pangambang pandaigdigang economic recession sa susunod na taon dahil sa inaasahang recession sa Amerika, pandaigdigang inflation, mataas na mga interest rate at kaguluhan sa ekonomiya ng EU dahil sa digmaang Ukraine sa Russia.

Sa nagkakaisang pahayag ng mga kasapi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), lalago ang ekonomiya ng 6.5 hanggang 7.5% sa 2023 at magpapatuloy ang pagbawi ng ekonomiya sa Asya sa kabila ng malamlam na pagtataya tungkol sa pandaigdigang economic recession sa susunod na taon.


Maging ang Department of Finance ay positibo rin na tapos na ‘Worst scenario’ ng ekonomiya sa Pilipinas at bibilis ang growth rate ng bansa.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, malaki ang tsansa na gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas at posibleng pumalo sa 7% ang growth rate ng bansa sa 2023,.

Positibo si Sec Diokno sa pagbilis ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga pangambang pagbagsak ng ekonomiya ng ibang bansa at maging ng recession gaya rin ng naging pahayag ng FFCCCII.


Sa pagtataya ni FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong, malaking bagay din ang pagiging optimistic ng mga Pilipino. Naniniwala umano sila na positibo ang economic at demographic fundamentals ng Pilipinas, ang ASEAN economic dynamism ay magpapatuloy at ang No. 2 pinakamalaking ekonomiya sa mundo na China ay magiging maayos sa muling pagbubukas nito pagkatapos ng pandaigdigang pandemya.

“Allow me to remind you that in early 2022, when there were still many dire and gloomy forecasts, when our economy wasn’t yet fully open, we at the FFCCCII felt the pulse of our entrepreneurs and the masses on the ground among 170 Filipino Chinese chambers of commerce from Aparri to Tawi Tawi, and in early 2022 we at FFCCCII announced the most bullish forecast of 6.5 to 7.5 gross domestic product (GDP) or economic growth. Now that we are ending the year, our optimistic yet realistic 2022 FFCCCII economic forecast has been vindicated and validated as accurate,” pahayag ni Lim.


Ang Pilipinas ay pinagmumulan pa rin ng pag-asa at pagbangon para sa Asya dahil sa ating positibong pang-ekonomiya at demograpikong batayan, at sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos ay nakatuon sa pag-upgrade ng mga imprastraktura, pagpapabuti ng agrikultura at pagtutulak ng maraming reporma.

Nabatid na ang FFCCCII ay kasama sa business delegation sa China state visit ni Pangulong Bongbong Marcos,sa imbitasyon ng Department of Trade and Industry (DTI).


“We believe this historic state visit is very important to the growth potentials of our Philippine economy, because China is our most important economic and trade partner, the world’s emerging new economic superpower, and our neighbor,” pahayag pa ni Lim sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Quezon City.(VICTOR BALDEMOR RUIZ)

 



Tags: Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII)

You May Also Like

Most Read