Latest News

WORST CASE SCENARIO SA GITNA NG BAGYO: OCD, NAKATUTOK SA AKTIBIDAD NG BULKANG KANLAON

By: Victor Baldemor Ruiz

INATASAN ni Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno na magsagawa ng paghahanda sa posibleng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa gitna ng mga banta ng bagyo.

Ang sinasabing hakbang ay bunsod ng mga naitatalang aktibidad ng bulkan nitong mga nagdaang araw.

Partikular na inatasan ni Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno ang tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) sa Western Visayas para mapabilis ang paghahanda sa worst-case scenarios, lalo na kung sumabay ang pagsabog ng bulkan sa pananalasa ng bagyo.


“Preparing for the worst-case scenarios is crucial for saving lives,” paliwanag ni d Administrator Nepomuceno.

Lubha umanong mahalaga ang papel na gagampanan ng mga local government units (LGUs) sa mga pagsisikap na ganito.


“I appeal to all LGUs to work doubly fast in all preemptive and risk mitigation measures. It is essential that we prevent the loss of lives and livelihoods in the event of a major or violent eruption. The time to act is now,” aniya.

Kasabay nito ay nanawagan ang opisyal sa mga apektadong residente na sumunod sa mga tagubilin ng local leaders at sumunod sa mga advisories mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at OCD.


“It is vital that residents stay informed and follow instructions from authorities to ensure their safety. Your cooperation can make a significant difference in our collective response to this situation,” anito.

Nitong nakalipas na linggo ay nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mga significant activities ng Mt. Kanlaon.

Kasalukuyang nasa Alert level 2 (incresing unrest) ang Kanlaon Volcano na indikasyon ng potensyal na eruptive activity.

Posible umanong bunsod ito ng pagtaas ng magma sa bunganga ng bulkan.

Tags: Office of Civil Defense (OCD)

You May Also Like

Most Read