Wooden crates at palete, naabo sa Tondo

By: Baby Cuevas

Sumiklab ang isang sunog kahapon ng umaga sa Mel Lopez Boulevard Northbound Maralla Bridge,Cluster 7,Barangay 128,Tondo,Maynila kung saan naabo ang mga bunton ng wooden crates at palete doon.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-6:09 ng umaga na umabot sa.ikalawang alarma at idineklarang ‘fire under control’ alas- 6:45 ng umaga.


Sinabi ni Roger Giego,may-ari ng mga nagliyab na wooden crate at palete, na nakita niya na nasusunog ang gitnang bahagi ng mga nakasalansan na palete at crates kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa kanilang Barangay 128 pinamumunuan ni Barangay Chairman Bobby Hernane.

Nabatid na naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil pawang kahoy ang nasunog. Wala namang nasaktan sa naganap na sunog.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang paninda crates at palete.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like