WITNESS PROTECTION SA ‘MISSING SABUNGEROS’ WISHTLEBLOWER, PINAG-AARALAN; MGA SABUNGERO, INILIBING UMANO SA TAAL LAKE

By: Victor Baldemor Ruiz

PINAG-AARALAN ngayon ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) ang panibagong twist sa kaso ng 34 nawawalang sabungero sa paglutang ng isang alayas Totoy.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP at DOJ para sa paglilitis sa mga suspek na idinadawit sa nasabing pagkawala ng mga sabungero.


Bukas umano ang DOJ na busisiin ang mga isiniwalat ng sinasabing ‘whistleblower’ sa kaso ng mga nawawalang sabungero, bilang tugon sa lumabas na ulat na patay na ang mga ito at inilibing sa Taal Lake.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nais niyang makausap si alyas “Totoy,” na isa sa mga akusado sa kaso ng mga sabungero na apat na taon nang nawawala.

“I-vet natin. Pag-aaralan natin ‘yung sinasabi niya kasi may hawak naman kaming ibang testigo eh,” ani Remulla.


Gusto umano ng kalihim na ma-validate ang mga salaysay ni ‘alyas Totoy’ at alamin din kung ang sinasabi ng ibang testigo ay kapareho sa mga nakarating sa kanyang tanggapan.

Kaugnay din ito sa ginagawang pag aaral ng kagawaran na mailagay si ‘alyas Totoy’ sa Witness Protection Program bunsod ng posibleng panganib sa kanyang buhay at maging sa kanyang pamilya, dahil sa kanyang mga isiniwalat na posibleng tumukoy sa tunay na mastermind.


Una nang ibinunyag ni ‘alyas Totoy’ na patay na umano ang mga nawawalang sabungero at inilibing umano ang mga ito sa Taal Lake.

Sa isang panayam ay sinabi ni alias ”Totoy” na pinatay ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang wire. Nilinaw din niya na lahat ng mga sabungero ay nahuling nandaya umano sa laro.


Ilan sa mga akusado ay nakalaya dahil sa piyansa, habang ang iba naman ay kasalukuyang target ng manhunt operation.

Tags: Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP)

You May Also Like