READY na raw ang comedian actor-TV host na si Willie Revillame na tumakbong senador sa darating na halalan sa 2025.
Matatandaang inalok siya ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na tumakbong senador noong 2022, pero nag beg off siya.
Ang kanyang dahilan, hindi pa siya handa para sa pulitika and at the same time nakakontrata pa raw siya sa GMA7 then pumasok siya sa AllTV ni dating Senador Manny Villar.
Hindi naman agad na ipush ang bagong network dahil sa signal issues.
Nag-close ang programa niyang Wowowin at nag-step down na rin ang TV host kung saan siya ang creative consultant doon.
Nitong Linggo ng gabi, isa si Kuya Wil na um-attend ng protest rally na ginanap sa Davao City.
Sa nasabing event, binahagi ng TV host na extended umano ang offer ni PDigong na tumakbo siyang senador.
Wika ni Kuya Wil, pinagdasal niya ang kanyang desisyon at naniniwala handa na siya para sa politika.
“Palagay ko, handa na ako. Handa ho ako gumawa ng kabutihan, handa ako magsilbi hindi lang sa bayan. handa akong magsilbi sa ating kabababayan na nangangailangan ng tulong,” ani Kuya Wil sa harap ng maraming tao.