By: JANTZEN ALVIN
Hindi naging empleyado ng Department of Justice (DOJ) ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nasangkot sa panunutok ng baril sa isang siklista.
Ginawa ng DOJ,ang paglilinaw matapos ang pagtatangka na iugnay sa. Departamento si Gonzales .
Sa inilabas na sertipikasyon ng DOJ may petsang Agosto 29 at Authenticated ni Director IV Liza B. De Leon of the Administrative Service, nakasaad na, “This document attests that, as per the existing records of this Office, there exists no individual named ‘Wilfredo Gonzales’ who has previously or is presently engaged in employment with the Department.”
Nabatid na nag viral sa social media ang ginawa ni Gonzales na pagkasa ng baril sa din nakilalang siklista.
Napag-alaman na nagalit si Gonzales matapos na mag-overtake ang siklista sa dinaraanan ni Gonzales na naging dahilan para bumunot ito ng baril.