SADYANG likas sa talent/manager philanthropist, vlgger, entrepreneur at dating pageant title holder na si Wilbert Tolentino ang pagiging matulungin.
Dumalo siya sa 58th birthday ng former PMPC president Fernan de Guzman para personal batiin si Ms. F.
Aba, after niyang magbigay ng mensahe sa birthday celebrant ay nag-share din siya ng blessing na unexpected sa ilang press people na naroroon.
Anyway, aside sa pagiging businessman at talent manager ay pinasok na rin ni Wilbert ang akting.
Masaya niyang binahagi na nasa Black Rider siya, ang TV series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Busy man siya sa kanyang mga kaganapan ay hindi niya nakakalimutang tumulong sa mga underpriviliged people.
Katunayan, may foundarion siyang tinatag, ang Ahon Mahirap, para makatulong sa mga kapus-palad.
Kaya naman patuloy ang buhos ng blessings kay Wilbert dahil shini-share niya sa iba ang mga natatanggap na biyaya.
Hindi rin lang aktingan ngayon ang peg niya, masaya rin niyang binalita na nasa music industry na rin siya.
Malapit na raw marinig ang kanyang awit na may title na “Kain Tayo.”
Kasama ni Wilbert ang kanyang right hand man na si Genesis noong bumisita siya kay Miss F.