ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation Anti-Fraud Division (NBI-AFD) (NBI) , ang isang Chinese national sangkot sa “wife o girlfiend for rent ” modus sa isang entrapment operation sa Paranaque City.
Kinilala ni NBI-Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, ang suspek na si Zhang Yang Ming, alyas Mike.
Ang operasyon ay ikinasa ng NBI ,matapos na makatanggap ng impprmasyon na ang local recruitment company na “INTERPRETACOMMUNICATION SERVICES (Interpretation) na matatagpuan sa Parañaque City ay sangkot sa human trafficking .
Nalaman na ang mga Filipina na naghahanap ng trabaho bilang receptionists sa isang Chinese-owned KTVs and restaurants pero iniaalok bilang “wife for rent” sa mga kliyente nitong intsik.
Nalaman na isang chinese ang nagpanggap ng poseur customer ang pumunta sa tanggapan ng Interpretation kung saan 2 chinese national na nakilalang si Ming, assistant manager at CI KE, manager ng Interpretation, ay nagpakita ng mga larawan ng babae kung saan ang mga ito ay maari umanonh rentahan para sa maiksi o mas mahaba araw bilang mga personal assistant na gagawa ng tabaho bilang isang girlfriend o asawa kasama na ang “unlimited sex”.
Nang makumpirma na ang kumpanya ay sangkot sa human trafficking,ikinasa ng mga ahente ng NBI-AFD noong Marso 17 ang entrapment operation.
Nalaman na pini-presyuhan ng P100,000 para sa 30 araw na serbisyo ng ” wife o girlfriend for rent” ang mga kliyente at may ipinakita pa si Ming ng sample ng
service contract, na nakasaad ang mga obligasyon ng babae kanilamg rerentahan.
Kabilang na kung magkakaroon ng di pagkakaunawaan sa loob ng 1 hanggang tatlong araw babayaran lamang ang babae ng P25,000 o one fourth ng P100k at kung 15 araw lamang ay babayaran ng P50,000 ang babae.
Nagdala umano ng 3 babae sa kanyangnopisina si Ming at ng ibigay na ng poseur cutomer ang marked money ay inaresto na ito ng mga ahente ng NBI.
Depensa naman ng mga babae na sila ay mga aplikante lamang bilang mga receptionist at walang ideya na parerentahan sila bilang asawa .
Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 4 (e) of R.A. 9208 kilala bilang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 as amended by R.A. 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 in relation to R.A. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 si Ming Kasamang kinasuhan si CI KE na nakatakas at isang Melanie Reyes Mancenido.