Latest News

WHO NABABAHALA SA PANIBAGONG PAGTAAS NG COVID CASES SA BUONG MUNDO

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ngayon ang World Health Organization (WHO) sa panibagong pagtaas ng mga kaso ng impkesyon ng Covid sa ilang bahagi ng mundo habang bumabagsak naman ang testing rates sa ibang mga bansa.

Dahil sa panibagong outbreak, nagpatupad na ng lockdown ang ilang bansa sa Asya partikular sa Hong Kong at sa probinsy ang Jilin sa China.

Tinitingnan ang ilang kumbinasyon ng dahilan sa panibagong outbreak. Ito ay dahil sa mas nakakahawang Omicron variant at sub-variant na BA.2 at pagluluwag sa mga restriksyon para buksan ang ekonomiya.


Nakakabahala rin umano ang mababang ‘vaccination rate’ sa ilang bansa na dulot ng mga kumakalat na misimpormasyon at pag-uumpisang magrelaks ng gobyerno at publiko.

Sa kanilang datos, umakyat ng 8% ang mga bagong impeksyon sa buong mundo na katumbas ng 11 milyong bagong kaso at higit sa 43,000 bilang ng mga bagong nasawi mula Marso 7 hanggang 13. Ito ang kauna-unahang mataas na bilang mula ng katapusan ng Enero.

Pinakamalaking itinaas sa mga bilang ang Western Pacific region, partikular ang South Korea at China na nakapagtala ng 25% dagdag na kaso at 27% dagdag na nasawi.


Tags:

You May Also Like

Most Read