Nagpahayag ng pangamba ang World Health Organization (WHO) na maapektuhan ang pagsusumikap na mapigil ang paglaganap ng sakit na cholera sa mundo matapos kumpirmahing ubos na ang oral cholera vaccine sa global stockpile.
Ayon sa WHO, na NASA ‘full operation’ ang global vaccine production pero nauubusan dahil sa mataas na demand.
“As of October 14, the global stockpile of oral cholera vaccine is depleted, with no remaining doses available. Although more doses are expected in the coming weeks, this shortage poses significant challenges to outbreak response efforts and hampers efforts to control the spread of the disease,” ayon sa WHO.
Napag-alaman na sa pagitan ng Setyembre 1 at Oktubre 14, humiling para sa cholera vaccine ang Bangladesh, Sudan, Niger, Ethiopia at Myanmar na umabot sa kabuuang P8.4 milyon doses at dahil sa limitadong supply ng vaccine ay 7.6 milyon lamang ang naipadala.
Ayon sa WHO, umabot sa 439,724 cholera cases ang naitala ngayong 2024 at 3,432 ang naiulat na nasawi hanggang nitong Setyembre 29,2024.














