Latest News

Western Visayas, magiging libre sa komunistang grupo

By: Philip Reyes

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magiging “communist- free” ang Western Visayas dahil nagsimula nang bumaba ang mga komunistang rebelde sa rehiyon.

“We must keep on going and we’ll wait for your invitation to come back when you declare this area insurgent-free… I think it’s achievable,” ani Marcos sa isang situation briefing sa security officers sa Camp General Macario Peralta Jr. sa Jamindan, Capiz.

Sinabi ni Marcos na siya ay kuntento sa mga nagawa ng Philippine Army (PA) sa pangangalaga sa kapayapaan sa rehiyon at ang pagpapahina sa presensiya ng mga rebelde.


“I would [like to] congratulate you for the good progress that you’re making. Keep the pressure going… I know that the other units are also doing it in terms of the financing. But perhaps, you could put more emphasis on that,” giit pa ni Marcos sa mga sundalo.

Sinabi ni PA 3rd infantry Division Commander Major General Marion Sison na sinasamantala ng mga rebelde ang kahinaan ng minority groups, partikular na ang indigenous peoples.


Nagpapanggap umano ang mga rebelde bilang miyembro ng humanitarian group na nakakahingi ng pondo mula sa international institutions.

Gayunman,ang pera na kanilang nakukuha sa inaprubahan na project porposal ay hindi na ginagastos ng buo sa proyekto.


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like

Most Read