Latest News

Wave ng Omicron BA.5 at BA.4 subvariants, nalampasan na — eksperto

Nalampasan na ng National Capital Region (NCR) ,ang wave ng infections ng Omicron BA.5 at BA.4 subvariants ng coronavirus na nagresulta nang pagbaba ng bagong kaso ng COVID19 sa bansa.

Ginawa ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante,ang pahayag kung ano ang nakapag contribute kung bakit bumaba sa 7.8% ang COVID19 positivity rate sa NCR na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David.

“We already passed the worst of the BA.5 and BA.4. Ibig sabihin, nalagpasan na natin ‘yung tinatawag natin na wave, so pababa na ang mga kaso,” ayon kay Solante sa isang public hearing.


“Second, dahil bumaba na siya, we also developed some form of population immunity na nakukuha natin doon sa infection. Nag-develop na ng antibodies against BA.5,” dagdag ni Solante.

Sinabi ni Solante na bumaba na rin ang hospital utilization rate at intensive care unit (ICU) occupancy sa NCR.


Base sa report ng OCTA na bumaba sa 7.8%,ang positivity rate noong Nobyembre 7 mula sa 9.5 % noongOktubre 31.

Habang healthcare utilization rate sa region ay nanatiling mababa sa 26%hanggang nitong Nobyembre 7. (Arsenio Tan)


Tags: Dr.Guido David

You May Also Like

Most Read