WATERPROOFING INSTALLER, ARESTADO MATAPOS MAGTAGO NG 14 TAON

By: Baby Cuevas

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District-District Police Intelligence Operation Unit (MPD-DPIOU) ang isang 39-anyos na waterproofing installer dahil sa kasong theft, kahapon ng hapon, sa Arellano St., corner Singalong St., Brgy 755, Zone 82, Sta Ana, Maynila.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng DPIOU ang suspek na si Jovie Escaño ng 2617 Arellano St., corner Singalong St., Brgy 755, Zone 82, Sta Ana, Maynila na mahigit 14 na taon nang nagtatago sa batas.


Si Escaño ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Ma.Teresa Dolores C.Gomez-Estoesta na may petsang Abril 28, 2010.

Inirekomenda ng korte ang P20,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang suspek ay nakadetine ngayon sa MPD custodial facility at nakatakdang dalhin sa korte para sa commitment order.


Tags: Manila Police District-District Police Intelligence Operation Unit (MPD-DPIOU)

You May Also Like