WARNING SA MILK TEA NA MAY MARIJUANA, HINDI GALING SA PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagmula sa ahensya ang warning o advisory na ipinakalat sa internet na nagbabala sa mga sangkap at epekto ng isang partikular na brand ng milk tea .

Sinasabing naglalaman umano ng mga ‘psychoactive substance’ na matatagpuan sa Cannabis sativa plant, na mas kilala bilang marijuana, ang sangkap ng isang brand ng milk tea.


Hindi umano pirma ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang nasa dokumentong naka-post at hindi sila ang nagpakalat nito.

“PDEA Director General Moro Virgilio Lazo DID NOT sign the pictured/posted document (the seemingly “signature” was meant to be an X mark) for his intention was to have it VERBALLY disseminated within PDEA only in relation to the One Strike policy of the Agency on personnel who fail the regular mandatory surprise drug tests,” ayon sa inilabas na pahayag ng PDEA.

Ayon pa sa PDEA, kahit hindi mandato ng PDEA ang pagtukoy at pagsuri sa kaligtasan ng mga produktong pagkain at inumin para sa pampublikong pagkonsumo, ang ahensya ay mahigpit ang koordinasyon sa mga kaukulang awtoridad.


Napag-alaman ng PDEA na ang isang partikular na dokumento ay ipinakalat sa internet, kung saan nagbababala sa mga epekto ng isang partikular na brand ng milk tea na sinasabing naglalaman ng mga psychoactive substance na matatagpuan sa Cannabis sativa plant.

Binabawalan umano ng nasabing advisory ang mga tauhan ng ahensya na huwag kumonsumo o uminom ng nasabing brand ng milk tea tea na lantarang na -oorder sa mga sikat na online shopping platform at idine-deliver din ng ilang milk tea store.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read