Latest News

WANTED SA MURDER, ARESTADO SA MPD

By: Baby Cuevas

Arestado sa mga operatiba ng Manila Police District -Station 7 ang ‘Most Wanted Person (MWP)’ sa kanilang istasyon na wanted sa kasong murder, kamakalawa ng gabi sa kanto ng Visayas at Luzon Streets sa Barangay 159, Tondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS7 ang suspek na si Rammil Gatdula y Pingol alyas “RM”, 36, ng No. 1996 Interior 15, Dagupang Extension, Tondo, Manila

Napag-alaman na alas- 7:30 ng gabi nang madakip ang suspsek ng mga operatiba ng MPD PS-7 Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PCMS Karlsten C Delfin.


Nag-ugat ang operasyon sa inisyng arrest warrant ni Manila RTC Branch 33 Presiding Judge Edgardo Saplada.

Napag-alaman na mahigit limang taon nang nagtatago sa batas ang suspek nang maaresto.

Tags: Manila Police District- Station 7

You May Also Like

Most Read