Latest News

Wanted sa Muntinlupa, arestado sa Divisoria

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 9 ang isang 30-anyos na vendor na wanted sa kasong theft sa Muntinlupa,habang nagtitinda ito kamakalawa sa Carmen Planas near corner Ilaya Street sa Tondo, Maynila.

Ayon sa MDP, inaresto ang suspek na si Arthuro Dumaca,alyas Nik ok at Arturo Tumaca, ng No. 411 Pavia St., Brgy. 70, Tondo, Maynila, dakong alas- 12:15 ng tanghali sa nabanggit na lugar.

Ang arrest warrant laban sa suspek ay inisyu ni Presiding Judge Nelvin Malaluan Asi ng Muntinlupa Metropolitan Trial Court, Branch 114, na may petsang Enero 19,2023 at inirekomenda nito ang P10,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek .


Nasa kustodiya ng MPD-Station 9 ang suspek at nakatakdang i-turnover sa korte para sa disposisyon ng kaso.


Tags: Manila Police District-Station 9

You May Also Like