By: JANTZEN ALVIN
Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 4, ang isang 27-anyos na ‘wanted’ sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kahapon sa may riles ng tren sa G.Tuazon, Sampaloc, Maynila.
Nakadetine sa MPD-PS 4 ang suspek na nakilalang si .Leo Edrales,alyas Leo Edranes Quiambao, ng No. 4635 Tagumpay St., Old Santa Mesa ,Sampaloc, Maynila.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Setyembre 12 at inisyu ni Presiding Judge Danilo Leyva .
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Hinihintay na lamang ang commitment order ng korte para maibiyahe ang suspek sa Manila City Jail. #














