Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang 47- anyos na driver wanted sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property, kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.
Nakadetine sa tanggapan ng SMaRT ang suspek na si Melquiades Briones,47, at residente ng 128B St.Therese St.,Brgy. Cupang, Peñafrancia, Antipolo City .
Ang pag-aresto ay naganap matapos na makipag koordinasyon ng Kennon Road Police Station 8, Baguio CPS sa pangunguna ni PMaj Jayson Eugenio kay SMaRT chief PMajor Edward Samonte.
Nabatid na ang suspek ay naaresto alas 5:10 ng umaga sa kahabaan ng Zobel Roxas St., Sta. Ana,Maynila matapos isilbi ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Corazon Sumcad Dulay- Archog, ng RTC First Judicial Region Branch 7, Baguio City Benguet na may petsang Hunyo 1,2022.
Nabatid na inirekomenda ng korte ang P100,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakatakdang ibiyahe sa Baguio City ang suspek para ipakita sa korte.














