Nagwakas ang mahigit pitong taong pagtatago ng isang 30-anyos na lalaking wanted sa kasong attempted murder nang maaresto ito kahapon ng umaga sa entrance ng parking area ng SM Manila sa Arroceros, Ermita,Maynila.
Nasa kustodiya ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang suspek ma si John Evereth Villalon,alyas Indong, negosyante, ng Np. 630 J. Marzan St., Sampaloc, Maynila.
Alas-10:30 ng umaga nang maaresto nina PEMS Dedimo Alviar ang suspek habang papasok sa parking ng SM Manila.
Nag-ugat ang pag-aresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Manila Regional Trial Court Presiding Judge Julie Aylene D. Mendoza, Presiding Judge ng Branch 11, na may petsang Pebrero 27,2015.
Inirekomenda ng hukom ang P120,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nabatid na isang confidential informant ang nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek at matapos ang surveillance ay naaresto na ito ng mga pulis.