Latest News

Wanted sa 13 counts ng rape, arestado

Arestado ng Manila Police District(MPD), ang isang lalaki na ‘top 4 most wanted’ dahil sa 13 counts ng kasong rape, sa Tondo,Maynila.

Kinilala ni P/ Lt.Col.Harry Ruiz Lorenzo lll , station commander ng MPD- Police Station 2, ang suspek na si Sonny Delos Santos, nasa hustong gulang at residente ng Tondo.

Alas-5:30 ng hapon nang isinilbi ang arrest warrant sa suspek sa
loob ng Moriones Sport Association Club (MORSAC) sa Moriones Street Tondo .


Isa umanong impormante ang nagbigay ng tip na.naglalagi ang suspek sa lugar, kaya pinlano ang pag-aresto sa suape, bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jacqueline S. Martin- Balictar, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court Br 9 na may petsang Marso 28, 2022 dahil sa kasong rape.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan mg suspek. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District(MPD)

You May Also Like

Most Read