Latest News

Wanted na Security Guard, arestado sa Southern Police District

Inaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang isang 40-anyos na wanted na security guard na nahaharap sa kasong sexual assault sa loob ng Robinson’s Place sa Las Piñas City.

Ang pag-aresto sa nasabing gwardya na kinilalang si alyas ‘Bentot’ ay bunsod ng standing warrant para sa krimeng sexual sssault sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code.


Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol. Ricky Sumalde, Force Commander, at pakikipag -ugnayan sa District Special Operations Unit (DSOU-SPD).

Ang pag-aresto ay isinagawa kasunod ng isang warrant na inisyu noong Mayo 21, 2026, ni Hon. Karen Sanchez Canullas-Armada, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 201, Las Piñas City, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P200,000.

Pansamantalang ikukulong ang nahuling akusado sa Las Piñas City Police Station Custodial Facility habang hinihintay ang opisyal na pagbabalik ng warrant sa court of origin. (TONY GILDO)


Tags: District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD)

You May Also Like